May bagyo man o wala, may gobyerno kayong maasahan sa Maynila.

Patuloy po nating mino-monitor ang sitwasyon ng ating lungsod dahil sa #BagyongCrising. Personal po nating pinuntahan para makita ang kalagayan ng T.M. Kalaw Avenue, United Nations Avenue, at iba pang lansangan.

Mag-ingat po tayong lahat, mga Batang Maynila. Pumanatag kayo dahil patuloy po kaming magsasagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang pagbaha sa ating lungsod at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng nararanasang bagyo sa ating bansa.

Mayor Isko Moreno