Sumabog ang usapin ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng muling pag-init ng mga banta ng impeachment laban kay Pangalawang Pangulong Sara Duterte. Sa deep-dive analysis na ito, hinihimay natin kung may legal na bigat ba talaga ang reklamo, bakit sinasabing mahina at puro haka-haka ang mga alegasyon, at kung paanong ang numbers game sa Kongreso ang tunay na pumapatay sa kaso.

Tinalakay rin sa video ang one-year bar rule, ang posibleng estratehikong timing ng mga reklamo, at kung bakit naniniwala ang ilang analyst na hindi si Marcos ang tunay na target, kundi si VP Sara Duterte. Ipinaliliwanag din dito ang madalas ikalilitong tanong ng publiko: May kulong ba ang impeachment o pagtanggal lang sa pwesto?

Sa halip na simpleng legal na proseso, inilalantad ng impeachment na ito ang pagguho ng UniTeam, ang banggaan ng mga dating kaalyado, at ang paggamit ng impeachment bilang sandatang pampulitika sa mas malaking laban para sa kapangyarihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here