Maliit ang tiyansang mangyari pero posibile pa ring sabay na ma-impeach o mapatalsik sa puwesto sina Pang. Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte

‘Yan ang sinabi ng constitutional law expert na si Atty. Domingo Cayosa, kaugnay ng impeachment complaint na balak umanontg isampa ng ilang grupo laban sa pangulo.

Paliwanag ni Cayosa, madaling maghain ng impeachment complaint pero mahirap itong palusutin sa Senado at Kamara.

Sinabi pa ni Cayosa na politikal ang paghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulo dahil politiko ang mga magdedesisyon kung sasampahan ba ng kaso ang pangulo at kung guilty o hindi ito.

Pero giit ng abogado, may kaakibat itong legal na proseso at hindi dapat ginagamit para sa politika.

Dagdag pa ni Cayosa, kung uunahin na naman ang impeachment at pamumulitika, muling maisasantabi ang ibang isyu gaya ng mga batikos sa 2026 national budget.

Facebook: https://www.facebook.com/dzbb594
Twitter: https://twitter.com/dzbb
TikTok: https://www.tiktok.com/@dzbb
Instagram: https://www.instagram.com/dzbb594khz/
Threads: https://www.threads.net/@dzbb594khz

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here