Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, humigit kumulang dalawampung pasyente ang dumaraan sa President Corazon C. Aquino Hospital araw-araw kaya’t makikita umano ang kahalagahan nito.
Ang tatlong palapag na ospital ay nasa ilalim ng Manila City government at tumutugon sa pangangailangan ng 80,00 residente ng lugar.
Ito ay may emergency room, digital x-ray, centralized oxygen supply line, at mga kumpletong departamento para sa maternity, pediatrics, surgery at internal medicine.
Samantala, pinuri ni Marcos ang malakas na koordinasyon sa pagitan ng lokal at pambansang pamahalaan upang higit na mapalakas ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa lungsod ng Maynila.






