Nagbiro si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang kinikilala ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa isang seremonya na ginanap sa Malacañang nitong Mayo 22, 2025.

Ayon sa Pangulo, “Teka may laman pa ba ang gabinete ko?”—isang pahayag na sinamahan ng ngiti at halakhak mula sa mga dumalo, kaugnay ng panawagan niya ng courtesy resignation mula sa mga opisyal ng ehekutibo bilang bahagi ng isinasagawang reporma sa pamahalaan.

Bagama’t pabiro ang tono ng Pangulo, itinuturing na seryoso ang inisyatibang ito bilang hakbang upang masiguro ang epektibong pamamahala at integridad sa kanyang administrasyon.

#DWAR1494 #NewsPH #AbanteNews #pbbm #gabinete