‘HINDI MAGPAPATINAG SI PBBM’
#StraightToThePoint: Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakikinig si Pangulong Bongbong Marcos sa mga sinasabi ng taumbayan, lalo na ang planong paghahain ng impeachment complaint laban sa kaniya, ngunit hindi aniya magpapatinag ang pangulo at patuloy itong magtatrabaho.
Ani Usec. Castro, umiingay lamang ang usapin dahil umiingay rin ang mga panawagan ng iba’t ibang grupo na sampahan ng impeachment complaint si Vice President Sara Duterte.
#DZXLnews558
#RMNNews
#TatakRMN






