Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kawani ng Office of the President na manatiling nakatuon sa kanilang trabaho sa kabila ng umano’y patuloy na “political noise.” Sa flag-raising ceremony sa Malacañang, iginiit ng Pangulo na nananatiling tama, makatarungan, at kinakailangan ang mga repormang isinusulong ng kanyang administrasyon upang mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino. Nagpasalamat din siya sa dedikasyon at sakripisyo ng mga empleyado, lalo na ngayong papalapit ang panahon ng Kapaskuhan.
#PBBM, #FerdinandMarcosJr, #Malacañang, #OfficeOfThePresident, #PublicService, #PoliticalNoise, #GoodGovernance, #PhilippinePolitics, #BagongPilipinas