#philstarnews #pasigriver
Pinangunahan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglulunsad ng Phase 4 ng programang para sa rehabilitasyon ng Pasig River sa Lawton Pasig River Ferry Station sa Maynila nitong Linggo, Oct. 19.
Kasama sa Phase 4 ang pagbuo ng mga walkways, bike lanes, commercial spaces, at mga tulay. Inuugnay nito ang Phase 1A ng proyekto sa Light Rail Transit Authority property at hanggang sa Arroceros Park ang abot nito.
Kabilang sa mga layunin ng expansion ang pagdami ng pedestrian at cyclist activty, pati na rin ang pag-akit ng mga turista.
Video by RTVM






