BULACAN, CEBU AT ISABELA, MAY MGA PINAKAMARAMING FLOOD CONTROL PROJECTS

Higit anim na daang flood control projects ang naitala sa Bulacan, habang ang Cebu ay may 414, pumangatlo naman ang lalawigan ng Isabela na may pinakamaraming flood control projects na may bilang na 337.

Matatagpuan umano sa sumbongsapangulo.ph. ang mga nakakuha ng kontrata sa naturang proyekto.
Kasama sa Top 20 ang:
Pangasinan – 313
Pampanga – 293
Albay – 273
Leyte – 262
Tarlac – 258
Camarines Sur – 250
Ilocos Norte – 224
Negros Occidental -208
Cavite – 192
Batangas – 189
Misamis Oriental – 181
Davao Del Sur – 180
Iloilo – 168
Rizal – 167
Cagayan – 167
La Union – 166
Nueva Ecija – 163

Matatandaan na nasambit ng Pangulo sa kanyang mensahe sa nakaraang State of the Nation Address ang katagang “Mahiya naman Kayo sa inyong kapwa Pilipino!

Tumukoy sa mga binigyang nito ng babala ang mga nagnanakaw ng pondo para sa flood control projects.

Ani ng Pangulo na sa kanyang pag-iinspeksyon sa naging epekto ng Habagat at bagyong Crising, Dante at Emong, nakita umano nito ang maraming proyekto sa flood control ang mga palpak at ‘yung iba ay pawang guni-guni lang.

Kaya naman inutusan nito ang DPWH na ilabas ang listahan ng mga proyekto sa nakalipas na tatlong taon para masuri ng publiko at ma-audit.

#flood
#floodcontrol
#dpwh
#ifmlucena
#ifmnews
#tatakrmn
#rmncalabarzon
#rmnnetworknews