#philstarnews
Iginiit ni DILG Sec. Jonvic Remulla na maximum tolerance ang ginamit ng pulisya sa Setyembre 22 protesta malapit sa Mendiola. Sinabi niyang walang baril, walang teargas, at walang nasawi sa kabila ng kaguluhan.
Umabot sa 216 ang inaresto, kabilang ang 89 menor de edad, habang 95 pulis ang nasugatan matapos batuhin at buhusan ng tubig ang hanay ng PNP. Mariin ding pinabulaanan ni Remulla ang mga kumakalat na balitang may namatay sa kilos-protesta.
Video by RTVM






