Sinabi ni Vice President Sara Duterte hindi siya dadalo sa House good government and public accountability panel inquiry sa paggamit ng budget ng kanyang opisina at ng Department of Education (DepEd) sa kanyang panunungkulan.

Sinabi ni Duterte na sayang ang kanyang oras at sa halip ay magsusumite siya ng affidavit para ipaliwanag ang kanyang sarili.