Inihayag ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na binuksan ng pamahalaang lungsod ang ilang sports complex sa Maynila upang pansamantalang matuluyan ng mga kalahok sa tatlong araw na “Transparency Rally” ng Iglesia ni Cristo (INC).
Ayon sa alkalde, bahagi ito ng pagtulong ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga dadalo, lalo na’t inaasahang dadagsa ang libo-libong miyembro sa Quirino Grandstand para sa naturang aktibidad. Tiniyak din ng lungsod na may naka-deploy na mga tauhan upang gabayan ang mga gagamit ng pasilidad at masiguro ang maayos na daloy ng mga tao.
Dagdag pa ni Mayor Moreno, handa rin ang mga emergency responders at serbisyo ng lungsod upang tugunan ang anumang pangangailangang pangkalusugan o seguridad habang nagpapatuloy ang malawakang pagtitipon.
![QUIAPO & SAMPALOC MANILA “Rain or Shine Daily Life Street Scene” | University Belt Walk Tour [4K]](https://www.pinoynewsonline.com/wp-content/uploads/2026/01/1767870022_maxresdefault-218x150.jpg)





![QUIAPO & SAMPALOC MANILA “Rain or Shine Daily Life Street Scene” | University Belt Walk Tour [4K]](https://www.pinoynewsonline.com/wp-content/uploads/2026/01/1767870022_maxresdefault-100x70.jpg)