MAYNILA — Sinibak sa serbisyo ng Manila LGU ang traffic enforcer na empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nakunan ng video na umano’y nangotong sa isang motorista sa Binondo, Maynila.
Inilabas ni MTPB OIC-Director Dennis P. Viaje ang cease and desist order laban sa nasabing traffic enforcer nitong Martes, Enero 27.
Nakasaad sa CDO na kailangang isauli ng traffic enforcer ang kanyang ordinance violation receipt (OVR) tickets, identification cards, handheld radio, at body camera sa opisina ng MTPB.
“Ilegal exaction” o “kotong” ang dahilan ng pagkakasibak ng enforcer.
“Rest assured that one strike policy is still in effect. Pag may nag-commit na nanolongges ng mamamayan, wala na kaagad trabaho. Sa isang kaing ng kamatis, pag may bulok na isa, tanggalin mo agad kasi makakahawa pa ‘yan,” saad ni Manila Mayor Isko Moreno.
Sa kuha ng dash camera, paliko na sa Dasmariñas Street mula Juan Luna Street sa Binondo, Maynila ang isang SUV noong Lunes ng umaga.
Kitang hinabol pa ng driver ang nagbi-blink na green light hanggang sa isang traffic enforcer ang bumulaga sa kanya.
Rinig sa dash camera ang usapan ng driver at ng enforcer. Pero imbes na tiketan, tinanong ng enforcer ang driver kung magkano ang kaya niyang ibayad.
Ilang sandali pa, humingi na ang enforcer sa driver ng aniya’y pangkape.
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News sa driver ng SUV na si alyas Mark na taga-Montalban, mismong ang enforcer umano ang kumuha ng isang daang piso sa may door pocket ng kanyang sasakyan.
“Pagbaba ko ng bintana, ang bungad niya kaagad sa akin is ‘yong mga violation, kung magkano, at ‘yong abala. Sabi niya sa akin, magkano ba kaya mo?” saad ni Mark.
“Nilamusok niya ‘yong natitirang isang daang piso na para sana pang-toll fee ko kung sakali kung may dadaanan pa ako. Hindi ko siya binigay, nakalagay lang siya roon. Sabi ko, ito lang po ang tira.”
Taliwas umano ito sa inaasahan niyang isyuhan siya ng violation ticket.
“Walang problema sa akin ‘yong titiketan kasi unang-una, kung talaga namang nag-violate ako, talagang ‘yon naman talaga dapat ang masunod,” dagdag ni Mark.
Nagpasalamat ang driver sa mabilis na aksyon ng Manila LGU.
Sinisikap pa ng ABS-CBN News na kunin ang panig ng sinibak na enforcer.
For more TV Patrol videos, click the link below:
For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
For more ABS-CBN News, click the link below:
For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
Subscribe to the ABS-CBN News channel! – http://bit.ly/TheABSCBNNews
Watch the full episodes of TV Patrol on iWantTFC:
http://bit.ly/TVPatrol-iWantTFC
Visit our website at http://abs-cbn.com
Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS
Twitter: https://twitter.com/abscbnnews
#LatestNews
#TVPatrol
#ABSCBNNews





