Narito ang mga nangungunang balita ngayong July 17, 2025
– Cagayan Valley, naka-blue alert status bilang paghahanda sa Bagyong Crising | Mga taga-Sorsogon, inalerto na rin sa posibleng epekto ng Bagyong Crising
– Ilang lungsod sa Cebu, binaha dahil sa malakas na ulan na dulot ng Habagat
– Ilang barko ng China, lumapit at nag-radio challenge sa mga barko ng Phl Navy at PCG bago sinimulan ang military exercises ng Pilipinas at Amerika
– Sen. Villanueva: Impeachment trial vs. VP Duterte, posibleng sa August 4 pa simulan | Senate Impeachment Court, hindi nagbigay ng impormasyong hinihingi ng Korte Suprema dahil Kamara daw ang nakakaalam | Supreme Court notice, sasagutin daw ng House prosecution panel bago ang itinakdang deadline
– DOH, suportado ang panukalang i-regulate o tuluyang ipagbawal ang online gambling
– DOTr: Driver’s license ng TNVS driver na nagtangkang manaksak ng pasahero, sinuspinde nang 90 araw
– DSWD: Food packs at iba pang gamit, handa na para sa mga posibleng maaapektuhan ng Bagyong Crising
– Panayam kay Benison Estareja, weather specialist ng PAGASA kaugnay sa Bagyong Crising
– 3 sa 48 Dalian train na binili ng gobyerno noong 2014, magagamit na sa MRT-3 | Dalian trains, inilunsad kasabay ng pagsisimula ng 50% discount para sa senior citizens at PWDs sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2 | DOTr: Pagbibigay ng discount sa iba pang uri ng transportasyon, pinag-aaralan | Phase one ng Metro Manila Subway, target na mapasinayaan sa 2028
– Sen. Bam Aquino: Sen. Kiko and I are leaning towards the majority bloc | Sen. Hontiveros sa posibleng pagsali nina Sen. Aquino at Sen. Pangilinan sa majority bloc: Walang samaan ng loob
– Floodgate sa bahagi ng Manila Yacht Club, pansamantalang binuksan para maiwasan ang pagbaha sa Manila | Trash traps, in-install din para maiwasan ang pagbabara sa mga kanal | Pagpapalaki sa treatment plant at pagdurugtong ng drainage ng Manila sa drainage ng MMDA, pinag-aaralan | Ilang residente, problema ang basura at kabuhayan sa tuwing bumabaha sa kani-kanilang lugar
– Soon-to-be lolo, tinupad ang pangakong maninilbihan sa simbahan nang malamang buntis ang manugang
– Dennis Trillo, favorite katrabaho ni Kim Ji Soo sa “Sanggang Dikit FR;” Dennis, masaya na naka-adapt si Ji Soo sa paggawa ng PH TV series | Kim Ji Soo at Dennis Trillo, magkakaroon ng Tiktok collab; Ji soo, aminadong nag-adjust sa kaniyang character sa “Sanggang Dikit FR”
– Mikael Daez at Megan Young, nag-share ng bagong photos kasama si baby Leon
– Kuwelang bonding ni Iya Villania at baby girl na si Anya Love, kinagiliwan ng netizens
– Emma Watson, anim na buwang hindi puwede magmaneho dahil sa speeding violation noong 2024
Unang Balita is the news segment of GMA Network’s daily morning program, Unang Hirit. It’s anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.






