Personal po natin nasaksihan sa Institute of Technical Education (ITE) College East sa Singapore kung paano ginagamit ang makabagong teknolohiya sa urban farming. Dito ‘yan sa kanilang Horticulture Technology Hub.

Hangad natin na balang araw ay maisakatuparan din ang ganitong mga solusyon sa Lungsod ng Maynila, upang mas mapalakas ang ating food sufficiency at food security. Sa pamamagitan ng inobasyon at tamang pagpaplano, naniniwala tayong kaya nating maghatid ng sapat, ligtas, at de-kalidad na pagkain para sa bawat Batang Maynila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here